MANILA, Philippines - Umaabot sa P200,000 halaga ng cash, electronic gadgets at mamahaling botelya ng pabango nang isang kawani ng Philippine National Police (PNP) matapos na pasukin ng magnanakaw ang kanyang bahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Ito ang nabatid makaraang dumulog sa himpilan ng Quezon City Police District ang biktimang si Chona VillaÂluna, 53, kawani ng PNP Finance Service ng Camp Crame at inireport ang pagnanakaw sa kanyang bahay nitong Sabado kung saan nawala ang kanyang pera at mga gamit.
Base sa ulat ng Anonas police station, ang pagnaÂnakaw ay nangyari sa pagitan ng alas-2 ng hapon hangÂgang alas-5 ng hapon sa bahay ng biktima sa K-8th Street sa Barangay Kamias.
Ayon sa ulat ni PO3 Rudy Peralta, may-hawak ng kaso, nang mangyari ang insidente si Villaluna ay nasa kanyang trabaho at iniwan nito ang kanyang bahay sa pangangalaga ng kapatid na si Florence at pamangkin na umalis naman ng bahay pero ikinandado ito pero walang nagbabanta ganap na alas-2 ng hapon.
Nang bumalik si Villaluna at pamilya nito sa kanilang bahay ganap na alas-5 ng hapon ay nadikusbre nilang nakabukas na ang cabinet at nawawala na ang nasabing mga gamit at pera.
Sabi ni Peralta, natangay umano kay Villaluna ang mamahaling pabango na kasama ang cash na nagkakahalaga ng P65,000, ang P55,000 nito ay nakalagay sa briefcase; US$500 (P20,000); dalawang laptop compuÂters; apat na tablet PCs; dalawang i-pods; tatlong MP3 players; at assorted jewelry.
Naobserbahan naman ng imbestigador na walang senÂyales na puwersahang pagpasok sa pintuan at maÂaring gumamit ang magnanakaw ng picklock o duplicate key para makapasok. Maaring alam din ng suspect ang pasikut sikot sa nasabing bahay.