MANILA, Philippines - Naglaan ng tulong pinansiyal si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa pamilya ng University of the PhiÂlippines (UP) student na si Kristel Tejada na nagpakamatay matapos na mabigo na makapagbayad ng matrikula.
Kasabay nito, dinagsa ng mga kaibigan, kamag-anak at kaklase ang burol ni Kristel simula pa kagabi.
Alas-11 ng umaga nang personal na bisitahin ni Lim sa punerarya ang labi ni Kristel kung saan binigyanito ng P10,000 financial assistance ang pamilya nito bukod pa sa pagsagot sa gastusin sa funeral serÂvices na umaabot sa P40,000. Inatasan din nito si Eduardo Noriega, chief of the Manila North CemeÂtery, na maglaan ng lote na paglilibingan ni Kristel.
Nabatid na bibigyan din ng trabaho ni Lim ang ama ni Kristel na isang taxi driver sa sandaling maili bing ito.
Ayon kay Lim, nakalulungkot isipin na hindi na maisasakatuparan ni Kristel ang kanyang pangarap na isa dito ay maiahon ang pamilya sa kahirapan.
Paliwanag ng alkalde, ito ang kanyang dahilan kung bakit ipinatupad niya ang libreng eduaksyon at nagtayo ng unibersidad para sa mahihirap na paÂmilya.
Ang City Colllege of Manila, ay itinayo ni Lim sa kauna-unahan niyang paÂgiging alkalde kung saan ito lamang ang unibersidad na may ‘zero tuition fee’ education.