MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na miÂyembro ng grupong GangsÂter ang nasawi matapos luÂsubin ng ilang miyembro ng kalabang gang habang naglalaro ng cara y cruz, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Sa Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GBMMC) binawian ng buhay dakong alas-2:30 ng madaling-araw kahapon ang biktimang si Reggie Gonzales, residente ng no. 101-C Int. 54, Perla St., Tondo, dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.
Sa ulat ni PO3 JuÂpiter Tajonera, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insiÂdente sa panulukan ng Concha at Quezon Sts., sa Tondo, Maynila.
Nagka-cara y cruz umaÂno ang biktima nang bigÂlang nagdatingan ang hindi pa kilalang mga suspect na poÂsibleng mga miyembro umano ng kalabang gang.
Nagawa pang tumakbo papalayo ng biktima suÂbaÂlit nakorner siya ng mga suspect sa harap ng Tondo High School at doon inundayan ng sunud-sunod na saksak at nang humandusay ay nagpulasan papalayo ang mga suspect.
Ayon sa pulisya, talamak ang ganitong insidente sa lugar kung kaya’t dapat pagtuunan ng pansin.
Patuloy naman sa isinaÂsagawang follow-up opeÂration ang pulisya.