^

Metro

Gangster utas sa kalaban gang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na mi­yembro ng grupong Gangs­ter ang nasawi matapos lu­subin ng ilang miyembro ng kalabang gang habang naglalaro ng cara y cruz, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GBMMC) binawian ng buhay dakong alas-2:30 ng madaling-araw kahapon ang biktimang si Reggie Gonzales, residente ng no. 101-C Int. 54, Perla St., Tondo, dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.

Sa ulat ni PO3 Ju­piter Tajonera, ng  Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa panulukan ng Concha at Quezon Sts.,  sa Tondo, Maynila.

Nagka-cara y cruz uma­no ang biktima nang big­lang nagdatingan ang hindi pa kilalang mga suspect na po­sibleng mga miyembro umano ng kalabang gang.

Nagawa pang tumakbo papalayo ng biktima su­ba­lit nakorner siya ng mga suspect sa harap ng Tondo High School at doon inundayan ng sunud-sunod na saksak at nang humandusay ay nagpulasan papalayo ang mga suspect.

Ayon sa pulisya, talamak ang ganitong insidente sa lugar kung kaya’t dapat pagtuunan ng pansin.

Patuloy naman sa isina­sagawang follow-up ope­ration ang pulisya.

 

C INT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PERLA ST.

QUEZON STS

REGGIE GONZALES

SA ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

SHY

TONDO HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with