Adik tumalon sa rooftop dedo

MANILA, Philippines - Dahil sa nakakarinig uma­no ng mga bulong, isang lalaki ang tumalon mula sa rooftop ng kanyang bahay at nasawi sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay SPO1 Randy Bantillo ng QCPD-CIDU dakong alas-11:45 ng uma­­ga nang umano’y tu­malon mula sa rooftop ng ikalawang pa­lapag ng bahay ng kanyang tiyuhin na si Nicando Diplomo, sa No. 340 Kasunduan Extension, Bgy. Commonwealth ang biktima na si Harold Diplomo, 37, isang construction worker.

Nagtamo  ito ng matinding pinsala sa ulo matapos na bumagsak sa sementadong kalsada.

Wala  naman umanong nalalamang dahilan ang kamag-anak ni Harold  upang magpakamatay ito.

Sinabi ni Nicando sa aw­toridad na madalas na pa­lakad-lakad lamang ito sa harap ng kanilang bahay simula noong nakaraang Sabado ng gabi at hindi pa umano ito natutulog simula noon. Madalas din umano itong makitang  umiiyak.

Kapag tinatanong uma­no ni Nicando ang pamangkin kung ano ang problema ay tahimik lamang umano ito.

Giit pa ni Nicando, ang biktima umano ay umuungol na may nari­rinig siyang bumubulong sa kanya.

Sa kabilang banda, ayon kay Bantillo, inamin umano ng kaanak nito na ang biktima ay dating gumagamit din ng iligal na droga.

Hinala ni Bantillo ma­ aring gumamit ng iligal na droga ang biktima at dahil sa impluwensya nito ang nagtulak sa kanya para tumalon sa rooftop.

 

Show comments