MANILA, Philippines - Isang high school student ang namatay maÂtapos na malunod sa isang swimming pool sa San Miguel, Maynila kahapon ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Timothy John Borlain, 2nd year sa Victorino Mapa High School at residente ng Little Baguio St., San Juan City.
Batay sa imbestigasÂyon nagtungo ang biktima sa Student Club House Swimming Pool na nasa kanto ng Arlegui at San Miguel Sts. bandang alas-10:15 ng umaga kahapon kasama ang kanyang mga kaklase.
Hindi natagalan ay humingi umano ng saklolo ang mga kasamahan ng biktima sa lifeguard na si Jomary Buan, 18 ng Sanciangco St., Malabon dahil sa nalulunod na si Borlain.
Naiahon naman mula sa tubig ang biktima at binigyan ng first aid ngunit hindi na naibalik ang ulirat nito.
Isinugod ito sa pagaÂmutan subalit idineklaÂrang dead-on-arrival.