Ex-con itinumba, ikinahon pa
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang sinalvage ang isang lalaki matapos na matagpuang nakasilid sa isang kahon, kahapon ng madaling-araw sa Ermita, Maynila.
Hindi matapos ang paghagulgol ni Jocelyn Rabagat nang makita ang bangkay ng kanyang live- in partner na si Angelito Bello, 31, miyembro ng Batang City Jail na nakalaya at matagal na umanong nagbago. Sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Benitez ng MPD homicide, pasado ala-una ng madaling-araw nang matagpuan ng isang vendor ang itinapong kahon na binalutan ng packing tape sa McArthur Bridge sa Ermita, Maynila.
Sa pag-aakalang may mapakikinabangan binutas ng testigo ang kahon saka sinilip at dito ay nakita ang paa ng tao.
Sa imbestigasyon ng SOCO, nagtamo ng apat na tama ng bala sa dibdib mula sa hindi nabatid na kalibre ng baril ang biktima.
- Latest