LRT sarado mula Huwebes Santo hanggang Easter Sunday

MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na sarado ang LRT mula Huwe­bes Santo hanggang Linggo ng Pagka­buhay upang bigyang-daan ang main­tenance work.

Ang pahayag ay ginawa ni LRTA spokesman Hernando Cabrera sa kanyang Twitter account kasunod ng mga ka­tanungan hinggil sa operating schedule ng LRT ngayong Holy Week.

Ipinaliwanag ni Cabrera na taunan namang sarado ang LRT tuwing Holy Week dahil sinasamantala nila ito upang maisakatuparan ang ilang maintenance works.

Ang LRT Line 1 ang nagdudugtong sa Roosevelt sa Quezon City patungong Baclaran sa Parañaque habang ang LRT Line 2 naman ang nagdudugtong sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila patungo sa Santolan sa Pasig City.

Show comments