MANILA, Philippines - Gumagawa na ng mga legal na hakbang ang kampo ng pamilya nang pinaslang na si Ruby Rose Barrameda matapos nilang malaman na bumaligtad ang panguÂnahing testigo na si Manuel Montero.
Sa isang panayam kay Rochelle Barrameda, kapatid ni Ruby Rose, sinabi nito na gumaÂgawa na sila ng legal na hakbang hinggil sa insidente.
Nabatid kay Rochelle na nabigla ang kanilang pamilya hinggil sa pagbaligtad ni Montero at kamakalawa lamang nila nalaman na bumaligtad pala ang naturang star witness sa pagpatay kay Ruby Rose.
Labis na nalungkot ang pamilya Barrameda hinggil sa pagbaligtad ni Montero at mariin nilang kinondena ang insidente.
Sa kabila nang pagbaligtad ni Montero, hindi nawawalan ng pag-asa ang pamilya Barrameda at mariing ipinahayag ni Rochelle, kahit ganun pa aniya ang nangyari ay hindi sila mapapagod at gagawin nila ang lahat upang makamit lamang nila ang hustisya para kay Ruby Rose.
Sinabi rin ni Rochelle, na may nakarating nga sa kanilang impormasyon, na sinusuyo umano ng mga suspect ang tesÂtigo, kung saan pinadaÂdalhan umano ito ng regalo.
Matatandaan, na si Ruby Rose ay dinukot hanggang sa natagpuan ang bangkay nito na nakasilid sa drum at itinapon sa karagatan na nasasakupan ng Navotas City noong Marso 2009.
Kung saan ang paÂngunahing suspect ay ang asawa ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez at ang ama nito na si Atty. Jimenez.
Matatandaan, na sa naÂunang sinumpaang pahayag ni Montero ay kilalang kilala nito ang mag-amang Jimenez, subalit sa kanyang pagbaliktad sa kaso, ipinahayag na nitong hindi niya kilala ang mga ito.