MANILA, Philippines - Dalawang binata ang nagpatiwakal sa paÂmamagitan ng pagbiÂbigti sa magkahiwalay na insidente sa Maynila, kamakalawa ng gabi.
Unang nadiskubre ang 22-anyos na biktimang si Rhamel Rojas, walang trabaho, nanguÂngupahan sa Eranan compound sa 31-D M. Dela Fuente St., Sampaloc, Maynila.
Dakong alas-6:30 ng hapon nang madatnang patay ang biktima ng kanyang tiyuhin sa loob ng inuupahang bahay.
Wala namang nakitang kalat sa kabahayan kaya hinihinalang walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. Wala umanong alam ang mga kaanak nito na dahilan para magpakaÂmatay ito.
Samantala, ang ikaÂlawang biktima na 28-anyos na empleyado ng banko ay nadiskubreng wala nang buhay, nakaÂbigti sa isang plastik na kordon sa Bagong Barangay, West Zamora, Pandacan, Maynila dakong alas-8:30 kamaÂkalawa ng gabi.
Kinilala ito na si Jeffrey Baldueza, clearing officer ng BDO Makati. Nadiskubre ng nakataÂtandang kapatid na si Juliet Alerta na nakabitin sa kanilang kisame ang biktima.
Isang suicide note ang iniwan ng biktima pero hindi naman umano nito sinabi ang problema bagkus ay nagpapaalam lamang.
Isinantabi na rin ng pulisya ang anggulong foul play dahil walang inÂdikasyon sa bangkay ng biktima na nanlaban o pinahirapan ito.