Motorsiklo vs kotse: 2 rider patay

MANILA, Philippines - Utas ang dalawang lalaki makaraang bumang­ga sa isang kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo matapos umanong makipagkarera sa isa pang sasakyan sa EDSA, Mandaluyong City, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang isa sa nasawi na si Arnulfo Herrera­ habang ang isa ay walang nakuhang anumang pagkakakilanlan.

Naganap ang in­sidente dakong alas-11:30 ng gabi sa Southbound line ng EDSA at Connecticut Sts., Mandaluyong City.

Ayon sa ilang testigo, nakita umano nilang naki­kipagkarera ang mga biktima sa isa pang motorsiklo hanggang sa gumewang-gewang at bumangga sa isang Toyota Vios (TIF-997) na minamaneho ni Ramon Garcia na sumuko naman agad sa pulisya.

Sinasabing tumila­pon ang mga biktima ma­tapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kotse na naging dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

Show comments