MANILA, Philippines - Sumuko kahapon sa Hall of Justice ng Naval Justice Advocate General sa Taguig City ang siyam sa 10 Navy officials na sangkot sa kasong pagpaslang sa Navy ensign na si Phillip Pestaño noong 1995 makaraang muling mabuhay ang kaso sa Manila Regional Trial Court.
Kasama ang kanilang abogado, sumuko sina ret. Naval Capt. Ricardo Ordonez, Cmdr. Reynaldo Lopez, Lt. Cmdr. Luidegar Casis, Lt. Cmdr. Alfrederick Alba, Lt. Cmdr. Joselito Colico, mga enlisted perÂsonnel na sina Hospital Man 2 Welmenio AquinoÂ, Machinery Repairman 1st Class Sandy Miranda, ret. PO1 Carlito Amaroso at PO2 Leonor Igcasan.
Hindi naman nakarating si Lt. Cmdr. Ruben Roque na matagal na ring reÂtirado at sa Estados Unidos na naninirahan.
Ito ay makaraang maglabas ng warrant of arrest si Judge Josefina Siscar ng Manila RTC Branch 55 laban sa mga suspek kaugnay ng pagkasawi ni Pestaño.
Sinabi ni Atty. Ana Luz Cristal, legal counsel ng mga akusado, na ikinagulat nila ang muling pagkaÂbuhay sa kaso makalipas ang halos 18 taon makaraang ma-dismiss na ito sa Sandiganbayan ng dalawang beses at lumabas sa imbestigasyon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na “suicide†ang naganap kay Pestaño at hindi murder.
Matatandaan na natagpuang patay ang noo’y 24-anyos na si Pestaño sa loob ng cabin ng BRP BaÂcoÂlod City noong Setyembre 27, 1995 bago dumaong sa Philippine Navy HeadÂquarters sa Maynila. NagÂtamo si Pestaño ng tama ng bala sa ulo.