MANILA, Philippines - Patay ang isang babaeng miyembro umano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraang barilin sa ulo ng isang security guard sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Ang biktima na nakilala base sa kanyang identification card na si Cristine Tugade, enlisted officer ng AFP at miyembro ng Philippine Army na may ranggong tinyente.
Si Tugade ay agad na nasawi matapos ang pamamaril na naganap sa may PhilÂtranco Terminal sa kahabaan ng EDSA cor. Banahaw St., San Martin de Porres, Cubao.
Ang suspect na agad na tumakas makaraan ang inÂsidente ay nakilalang si Meladio Tindoy, 38, security guard ng Kintanar Security Agency at naninirahan sa Roosevelt Avenue, SFDM sa lungsod.
Ayon kay PO2 Alvin QuiÂsumbing, tinitignan pa nila kung authentic ang identification card ng biktima, dahil base sa itsura umano nito ay maaaring peke at posibleng nagpapakilala lamang ito bilang miyembro ng AFP.
Lumitaw na ang suspect na sekyu ay dating enlisted officer ng Philippine Army na natanggal matapos mag-AWOL at dahil sa kagustuhan nitong makaÂbalik bilang sundalo nagpaÂlakad umano ito sa biktima.
Dito ay nagbayad umano ng paunti-unti ang suspect sa biktima, para sa paglalakad ng kanyang dokumento, hanggang sa umabot ito sa halagang P10,000, sabi ni Quisumbing.
Nabatid na matagal na umanong nakuha ng biktima ang pera sa suspect pero hindi pa rin naaayos ang kanyang dokumento, kaya naghinala itong pineperahan lang siya at nagpasya na itong magsumbong sa himpilan ng Police Station 7 para sa entrapment operation.
Kaya naman ganap na alas-9 ng umaga kahapon, nang muling puntahan ang suspect ng biktima sa kanyang binabantayan sa may Pantranco terminal sa kahabaan ng EDSA, corner Banahaw St., ay agad na inimpormahan ng una ang mga operatiba ng PS7.
Subalit, dahil sa tagal ng responde ng mga operatiba, biglang nainip umano ang suspect at nagdesisyong ilagay na lamang sa kanyang mga kamay ang batas. Gamit ang kanyang service firearm na kalibre 38 ay pinagbabaril nito ang biktima, saka mabilis na tumakas.
“Actually, nahuli lang ng konti ang dating ng mga operatiba natin sa PS7 dahil nga sa gagawing entrapment, eh hindi na nakapag-antay ang suspect, tinira na niya,†sabi pa ni Quisumbing.
Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente habang inaalam kung tunay na miyembro ng AFP ang nasabing biktima.