MANILA, Philippines - Timbog ang apat na miyembro ng ‘Bolt cutter gang’ matapos na mahuli sa akto habang pinagnanakawan ang isang shop sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.
Sa pag-aakalang makakalusot, nagtakip pa ng short pants ang apat na magnanakaw upang hindi makilala ang mukha sa closed circuit television camera (CCTV) pero nakabantay pala sa monitor ang may-ari kung kaya agad naitawag ito sa pulisya at sila ay nadakip.
Kinilala ni QCPD director Sr. Supt. Richard Albano ang mga suspect na sina Ramil Atencio, 37; Danilo Laxaman, 63; Roberto Tolentino Sr., 49; at Emmanuel Reyes, 41.
Narekober sa mga suspect ang anim na plastic bags, isang plais, tatlong lighters na may maliit na flashlight, isang screw driver, isang steel saw, isang chisel, isang pang-taas na camouflage, at dalawang cell phones.
Ang mga suspect ay nadakip ganap na alas-3:30 ng madaling-araw nang pasukin ang Hard Off Trading and Tire Sales Incorporated sa may Quirino Highway, Brgy. Bagbag, Novaliches.
Nabatid na may CCTV camera na nakakabit sa establisyemento para i-monitor at i-record ang anumang posibleng pagnanakaw.
Pero nang pasukin ng mga suspect ang shop, tinangka pa ng mga itong takpan ng short pants ang kanilang mga mukha dahil sa CCTV camera, para hindi maÂkilala. Pero, ang may-ari ng shop na si Caroline Cabales, 31, ay nasa monitor pala ng CCTV camera at tinitingnan ang nasa loob.
Nang biglang magÂlaho ang kuha ng CCTV ay saka ito nagduda ang may-ari at agad na huÂmingi ng ayuda sa pulisya kung saan naaresto ang mga suspect.