MANILA, Philippines - Hawak na ng awtoridad ang dalawang miyembro ng Quezon City Police na inireklamo ng ‘hulidap’ ng isang lalaking inaresto nila sa umano’y ilegal na droga at hinihingan ng halagang P15,000 kapalit ng kanyang kalayaan.
Sina PO1s George Verbo Jr. at Thomas Jansen Tulio ay nakaÂdetine ngayon sa QCPD sa Camp KaÂringal haÂbang ang isa pang kaÂsamahan nila na si PO1 Benjie Tan, ay patuloy na nakaÂkalaya.
Sina Verbo, 37 at Tulio, 31, ay itinurn-over ng kanilang commander na si Supt. Virgilio Fabian ng Fairview Police Station sa Criminal Investigation and Detection Unit kasunod ng bintang na extortion laban sa kanila.
Iniutos din kahapon ni NCRPO chief DiÂrector Leonardo Espina ang pagsuspinde sa dalawang bagitong pulis na kanilang biÂniktima na call center agents.
Bukod sa dalawang pulis, nauna nang naÂdakip ng CIDU ang daÂlawa umanong drug inÂformants na siyang umano’y nagnguso at nagturo sa biktimang mga call center agent, bilang drug pusher.
Ganap na alas-7:30 ng gabi nang madakip ng tropa ni Insp. ElmeÂr Monsalve ng CIDU ang mga suspect na sina Jerry Sora, 43, ng Brgy. Commonwealth at Domingo Mendaro, 42, ng Brgy. Fairview.
Sabi ni Monsalve, positibong kinilala ng mga biktima ang mga suspect na kabilang sa limang kalalakihang naÂngongotong sa biktima.
Nag-ugat ang inÂsidente nang arestuhin ng mga nabanggit na mga suspect ang mga biktima dahil sa umano’y iligal na droga.
Sa kabila nito, wala namang nakuhang droga sa biktima nang araw na arestuhin nila ito.
Unang humingi ng P20,000 ang mga suspect sa biktima, pero tanging halagang P15,000 ang naibigay kapalit ng kalayaan ng lalaki.
Matapos makaÂpagbigay ay napalaya ang biktima na agad namang nagsumbong sa pulisya at kinilala ang mga ‘humulidap’ sa kanya.