MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki ang magkasunod na natagpuan sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Sa ulo tinaniman ng bala ang isa na kinilalang si Rusty Salamat, 25, ng Baseco Compound, Port Area, Maynila habang sa tenga tinaniman ng bala ang isang pa na nakilalang si Gener Boral, ng Malibay, Pasay City.
Sa ulat MPD-Homicide Section, dakong alas- 4:30 ng umaga nang matagpuang nakahandusay at walang buhay si Salamat. Nabatid na may narekober na sumpak na nakasukbit pa sa beywang nito na hiÂniÂÂhinalang hindi na nabunot nang barilin sa kanang bahagi ng ulo.
Nabatid na sangkot sa serye ng pagnanakaw sa kanilang lugar si Salamat.
Samantalang si Boral naman ay natagpuang nakabulagta sa may Blk. 11 Extension, New Site, Baseco Compund, Port Area, Maynila, dakong alas- 12:15 ng madaling-araw. Blangko pa ang pulisya sa motibo at kung sino ang sangkot sa dalawang pagpaslang.