7 miyembro ng fake money syndicate, timbog
MANILA, Philippines - Naaresto ng pulisya ang pitong miyembro ng tinaguriang ‘Daanghari fake money syndicate’ na nagpapakalat ng pekeng pera sa Metro Manila at karatig lalawigan sa isinagawang operasyon ng Pasay City Police, kamaÂkalawa ng madaling araw.
Kinilala ni Pasay City Police chief Senior Supt. Rodolfo Llorca ang mga naarestong suspect na sina Jopee Alvarez, 27, Arne Abordo 45, Ronalyn Melico, 23, Adrian Sta Romana 27, Zoraida Briones, 30, Allan Rivera, 25 at Melvin Rambia, 42 na pawang mga residente ng Taguig City.
Nabatid na may tatlong buwan nang minamanmanan ng mga awtoridad ang grupo na natukoy na patuloy na nagpapakalat ng pekeng pera sa Ilocos Region, Southern Tagalog at ngayon sa National Capital Region (NCR).
Dakong alas-3:30 ng madaling araw nang isang opeÂratiba ang nagpanggap na buyer ng pekeng pera. Dito na pinaligiran ng mga pulis ang mga suspek sa kanto ng Taft Avenue at Gil Puyat Avenue matapos na magkabayaran na nagresulta sa pagkakadakip sa pito.
Nakumpiska sa mga suspect ang may 80-piraso ng pekeng P1,000 na pinagbibili ng mga suspek sa halagang P300 ang bawa’t isa.
Itinuro ng mga suspect ang lider ng kanilang grupo na isang alyas JR at Roy na kapwa residente ng Daang Hari sa Taguig City na umano’y nagsu-supply sa kanila ng pekeng salapi na ginagawa umano ng isang trader sa Maharlika Village.
- Latest