Vintage bomb natagpuan

MANILA, Philippines - Isang vintage bomb ang natagpuan ng ilang  mga kalalakihang  naghuhukay sa baywalk ng  Navotas City  kamakalawa.

Ayon sa report ng Navotas City Police, dakong alas-4:00 ng hapon nang mahukay ang vintage bomb sa kahabaan ng  Masipag St., Bay Walk,  Brgy. Tanza ng naturang lungsod. Kaagad na ipinaalam ng mga kalalakihang naghuhukay sa mga pulis ang insidente.

Dahil dito ay mabilis na rumisponde ang  mga tauhan ng Special Weapon and Tactics at kinuha ng mga ito ng dahan-dahan ang naturang vintage bomb upang hindi ito magdulot ng disgrasya.

 

Show comments