Bebot itinumba

MANILA, Philippines - Isang babae ang nasawi matapos barilin ng isang salarin sa loob ng Islamic community sa lungsod Quezon kama­ka­lawa.  Nakilala ang biktima na si Maimona Datumanong, 35, ng Baseco compound, Port Area, Manila.

Naganap ang pamamaril ganap na ala- 1 ng hapon sa may gate ng Salaam Mosque compound na matatagpuan sa Libya St., at Tandang Sora St., Brgy. Culiat.

Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng kanyang ulo at nagawa pang maitakbo sa East Avenue Medical Center pero idineklara din itong patay ganap na alas- 4 ng  hapon.

Bago ito, ayon sa isang testigo, pumasok umano ang biktima sa Mosque Compound at sinundan ito ng suspek na may dalang baril. Ilang sandali pa  ay bigla na lamang binaril ng suspect ang biktima, saka mabilis na tumakas patungong Tandang Sora Avenue. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa isinagawang krimen.

Show comments