^

Metro

Universidad de Manila ginulantang ng bomb threat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginulantang ng bomb threat ang  Universidad de Manila kahapon ng umaga na nagresulta sa pagkakaroon ng tensiyon sa mga mag-aaral at faculty nito.

Dahil dito, sinuspinde  pansamantala ang klase upang  mabigyan-daan ang isinagawang inspeksyon ng mga awtoridad.

Lumilitaw na dakong alas-10:30 ng umaga nang matanggap ng twitter account ng  naturang unibersidad ang  bomb threat. Bunsod nito ay agad na pinatigil ng pamunuan ng CCM ang kanilang klase para makatiyak na sila ay ligtas.

Nagresponde rin kaagad ang mga miyembro ng Manila Police District Bomb Squad at ginagalugad ang  gusali at buong paligid subalit wala namang nakitang anumang uri ng bomba o sangkap ng pampasabog. Matapos ito ay  agad ring nagpatuloy ang klase at operas­yon ng opisina ng nabanggit na paaralan.

BUNSOD

DAHIL

GINULANTANG

LUMILITAW

MANILA POLICE DISTRICT BOMB SQUAD

MATAPOS

NAGRESPONDE

UNIVERSIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with