^

Metro

Drug Free Marikina target

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Target ni dating Marikina Vice Mayor Dr. Marion Andres na maging drug free ang lungsod kasabay ng  paglulunsad ng iba’t ibang proyekto at programa para rito.

Sa kanyang panunungkulan bilang vice chairman ng Peace and order Council, nabawasan ng 60 porsiyento ang mga taong gumagamit ng illegal na droga. Naging daan ito para bansagang “Drug Buster” ang Marikina.

Bunsod nito kaya layon ni Andres na maipagpatuloy ang pagbibigay ng maayos na kinabukasan ang mga kabataan kung saan matututukan ang kanilang pag-aaral at hindi ang anumang bisyo tulad ng pagdodroga sa kabila ng kahirapan sa buhay.

Paliwanag ni Andres, nasa dugo ang kanyang paglilingkod sa Marikina  dahil naging bise alkalde rin ang kanyang ama noong taong 1959 hanggang 1967.

Indikasyon din na kuntento ang mga taga Marikina sa pro­yekto at programa ng kanyang tanggapan ang kanyang tatlong termino bilang vice ma­yor at presiding officer ng  Sangguniang Panlungsod.

Ilan sa mga parangal na ti­nanggap ni Andres ang “One of the Outstanding Cities Working Seriously in Attaining a Drug-Free Philippines by 2010” na iginawad ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) ng Napolcom.

ANDRES

DR. MARION

DRUG BUSTER

DRUG-FREE PHILIPPINES

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

MARIKINA VICE MAYOR

ONE OF THE OUTSTANDING CITIES WORKING SERIOUSLY

SANGGUNIANG PANLUNGSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with