^

Metro

70 bgy. chairmen sumuporta kay Lim, Veloso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 70 pang mga barangay chairman  na kaalyado ni dating Manila Mayor Lito Atienza ang nagpahayag ng kanilang suporta sa tandem nila  Manila Mayor Alfredo Lim at Councilor Lou Veloso sa nalalapit na halalan.

Sa ginanap na breakfast meeting, pinangunahan nina Noli Mendoza at Jason Valencia ang pagsuporta dahil sa mga naipatupad na proyekto ni  Lim  sa lungsod bukod pa sa  malinis na reputasyon at kredibilidad  nito.

“Kung nung presidente nga `yung kalaban wala siyang ginawa, lalo na sa Maynila. Buong Pilipinas jino-joke joke niya, Maynila pa kaya?” patungkol ni  Mendoza kay dating Pa­ngulong Joseph Estrada.

Tiniyak ni  Mendoza na lubos ang ibibigay nilang suporta kay Lim dahil ito ‘true-blue’ Manileño at hindi nagbubuo ng kanyang  dynasty sa lungsod.

Ipinakita din ni  Mendoza ang  manifesto na pirmado ng mga barangay chairman.

Dumalo din sa pagtitipon sina chief of staff at media bureau chief Ric de Guzman, mayor’s complaint and action team head ret. Col. Franklin Gacutan, deputy mayor Joey Silva, Manila Police District director Chief Supt. Alex Gutierrez, mga station commanders, Bgy. Chairman Ligaya Santos at mga barangay chairmen mula sa 4th district sa pangunguna ng kanilang kandidato na si councilor Guia Castro.

ALEX GUTIERREZ

BUONG PILIPINAS

CHAIRMAN LIGAYA SANTOS

CHIEF SUPT

COUNCILOR LOU VELOSO

FRANKLIN GACUTAN

GUIA CASTRO

JASON VALENCIA

JOEY SILVA

MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with