MANILA, Philippines - Nagulantang ang mga pasahero ng Metro Rail Transit sa Kamuning station makaraang bigla na lamang maglagablab ang isang taxi habang bumiÂbiyahe sa tapat nito sa lungsod Quezon, kahapon ng tanghali.
Ayon sa kagawaran ng Bureau of Fire ProÂtection (BFP), sa kabila nito, masuwerte namang nakaligtas sa kapaÂhamakan ang driver ng taxi na si Edward Madarang, 39, matapos na makalabas agad sa naglaÂlagablab nitong sasakyan.
Pasado alas-11 ng tanghali nang umano’y maglagablab ang nasabing taxi na may tatak na Freedom (TWN-644) habang binabagtas ang southbound lane ng EDSA harap ng GMA Kamuning Station.
Sinasabing bigla na lamang umanong umusok ang unahang bahagi at dahil LPG ang ginagamit nitong gasolina ay maÂbilis na kumalat ang apoy hanggang sa tuluyang lamunin ito.
Faulty wiring ang tiniÂÂtingnang ugat ng naÂsabing pagsiklab na madalas umanong nangyayari kapag mali ang koÂneksyong ginawa sa loob ng makina nito.