Trader ninakawan na, pinatay pa

MANILA, Philippines - Isang 86-anyos na ne­gosyante ang nilooban at pinatay pa ng mga ka­watan sa isang printin­g press sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Anselmo Ramirez, may-ari ng Huapu Printing Press,  biyudo, ng Asun­cion St., Binondo, Maynila.

Wala pang tukoy na mga suspect sa nasa­bing krimen.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:45 ng hapon nang madis­kubre ang katawan ng bik­tima sa loob ng kanyang warehouse sa Baraca sa kanto­ ng Dasmariñas Sts., Binondo.

Natatakpan umano ng printing materials ang bangkay ng biktima malapit sa pintuan patungo sa comfort room.

Sa pagsisiyasat, may dugo at sugat sa ulo ang bik­tima, indikasyong inun­tog o pinukpok ng matigas na bagay.

May nakitang fingerprints ng hinihinalang suspect sa pagnanakaw,  sa ibabaw ng  steel cabinet kung saan umano nakalagay ang nawawalang P10,000 cash. 

Sinabi ng anak ng biktima na si James Choi, mag-isa umano ang ama sa warehouse ng printing press sa loob ng tatlong araw dahil ang kaniyang kapatid na dating kasama nito ay nagtungo sa ibang bansa.

Show comments