MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang binata makaraang arestuhin ng awtoridad dahil sa pagsusuot ng uniporme ng pulis habang nasa loob ng Hall of Justice sa lungsod Quezon kahapon.
Kinilala ang dinakip na si Daniel Caballero, 34, ng Block-17, Lot 61, Narra AveÂnue, Palmera, Antipolo City.
Si Caballero ay inaresto ni SPO1 Conrad Lim ng PS10 nang mapuna niya itong nakaÂsuot ng PNP-GOA uniform na may dalawang insignias ganap na alas-9:15 ng umaga.
Ayon sa ulat, dumadalo si Lim sa court hearing sa naÂsabing lugar nang mapuna niya ang suspect na nakasuot ng nasabing uniporme habang naka-istambay sa lugar.
Dahil dito, kinompronta ni Lim ang suspect at inirepresenta umano nito ang sarili bilang miyembro ng PNP, pero walang maipakitang dokumento.
Upang makasiguro, inimbitahan ni Lim ang suspect sa PS10 para sa tamang doÂkumentasyon, hanggang sa marekober sa huli ang daÂlawang piraso ng driver’s lisence na may magkaibang pangalan at Internal Affair Service ng Manila Police District (IAS-MPD) na nakapirma si Police Supt. Angel L. Cariaga na may ranggong Police Inspector.
Ayon sa pulisya, natuklaÂsan nilang si Caballero ay nakalinya na rin para maging miyembro ng PNP, at naghihintay na lamang ng resulta ng kanyang aplikasyon.
Giit ng awtoridad, maÂaaring sabik na sabik nang maging pulis si Caballero kung kaya naÂisipan na nitong magsuot ng uniporme ng PNP kahit hindi pa dapat at ipinagbabawal.