MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang pag-iÂingay kung kaya binurdahan ng saksak hanggang sa mapatay ang isang lalaki ng mag-utol na nairita sa una kamakalawa sa lungsod Quezon.
Si Leoncio Mangosong, 29, porter sa Riverview Market, Brgy. Apolonio Samson, Balintawak ay nagawa pang maitakbo sa ospital subalit hindi na rin umabot ng buhay dulot ng mga saksak sa katawan.
Nakilala naman ang magkapatid na suspect sa mga alyas na Bato at Baleleng, kapwa porter din sa nasabing palengke.
Nangyari ang insidente sa loob ng Riverview market, Brgy. Balintawak sa lungsod, ganap na alas-2 ng hapon.
Napag-alaman na naglalakad umano ang biktima kaÂsama ang kanyang kapatid na si Leo sa nasabing lugar nang mapadaan sila sa tapat ng magkapatid na suspect.
Pero dahil malakas ang boses ng biktima habang nakiÂkipag-usap sa kanyang utol ay nairita ang mga suspect at kinompronta ang una na nauwi sa mainitang pagtatalo.
Dahil naging mainit na ang mga suspect ay inawat na sila ni Leo, sa halip ay bumunot ng patalim ang mga una at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima sa katawan.
Sa puntong ito, nagtatakbo papalayo si Leo para makaÂiwas sa posibleng kapahamakan, hanggang sa matanaw na lang niya ang duguang kaÂpatid na tumatakbo rin papalayo pero pagsapit sa kalye ng EDSA ay bumuwal din ito at nasawi. Mabilis namang tumakas ang mga suspect.