^

Metro

Banko pinasok ng mga kawatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasok ng mga kawatan ang isang sangay ng Bank of Philippine Island (BPI) ngunit wala naman umanong natangay na salapi nang mabulabog at magsitakas ang mga salarin makaraang tumunog ang alarm system nito, kama­kalawa ng gabi sa Alabang, Muntinlupa City.

Sa ulat ng Muntinlupa City Police, dakong alas-8:45 ng gabi nang unang tumunog ang alarma ng banko na nakako­nekta sa pulisya. Agad namang rumesponde ang mga pulis sa naturang banko ngunit walang napansin na kahina-hinala.

Nang mag-inspeksyon sa buong gusali, napansin ng mga pulis na winasak ang bakal na  bintana ng banko sa likuran na siyang pinasukan ng mga kawatan.

Ayon kay Muntinlupa officer-in-charge Senior Supt. Roque Eduardo Vega, hindi naman nabuksan ng mga magnanakaw ang main vault ngunit tinangka pa ring sirain ang dalawang automated teller machine (ATM) na nasa loob.

Posible umanong itinigil ng mga suspect ang pagwasak sa ATM nang malaman na tumunog na ang alarma ng banko at nagmadali nang tumakas sa pamamagitan ng pagdaan sa winasak nilang bakal na bintana.

Lumabas sa imbestigasyon na tanging ang mga personal na gamit at cellphone ng ilang kawani ang nawawala na posibleng tinangay ng mga kawatan.

Napag-alaman na winasak din ng mga kawatan ang Central Processing Unit (CPU) ng nakakabit na Close Circuit Tele­vision (CCTV) Camera kaya’t bigo ang pulisya na ma­kilala ang mga kawatan na pumasok sa banko.

ALABANG

BANK OF PHILIPPINE ISLAND

CENTRAL PROCESSING UNIT

CLOSE CIRCUIT TELE

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

ROQUE EDUARDO VEGA

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with