^

Metro

Ginang patay sa atake habang dinidinig ang kaso ng anak sa barangay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ginang ang nasawi makaraang atakehin habang dinidinig ang kasong pagnanakaw ng kanyang anak na lalake sa loob ng isang barangay hall sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang nasawi si Jenny Jean Grafane, 46, ng Kaingin II, Brgy. Pansol sa lungsod.

Nagawa pang maisugod sa Quirino Memorial Me­dical Center ang ginang pero idineklara ring dead- on-arrival.

Lumilitaw sa pagsisi­yasat na nangyari ang insi­dente sa loob ng barangay hall ng Brgy. Pansol, ganap na alas-10 ng gabi.

Bago ito, sinamahan umano ng nasawi ang kanyang anak na si Vincent sa barangay hall para sa mediation­ at kompron­tasyon sa umano’y kasong theft laban sa huli.

Habang dinidinig ang kaso, bigla na lamang umanong nanginig ang katawan ng biktima, kaya itinakbo ito sa nasabing ospital subalit hindi na rin umabot pang buhay.

BRGY

HABANG

ISANG

JENNY JEAN GRAFANE

KINILALA

LUMILITAW

NAGAWA

PANSOL

QUIRINO MEMORIAL ME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with