MANILA, Philippines - Hinostage ng isang 67-anyos na lolo ang kanyang asawa, habang armado ng kutsilyo, basag na salamin, isang piraso ng bakal at nagtangka pang sunugin ang kanilang bahay, bunsod umano ng depresyon, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Sa ulat ni PO3 Bernardo Barredo, inaresto at isinaÂilalim sa medical examination sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang suspect na si Leandro Reyes, residente ng Estero de Tutuban, malapit sa panulukan ng Quiricada at J. Abad SantosÂ, Tondo, Maynila habang nagtamo naman ng galos ang misis nitong si Adoracion, 61.
Dakong alas-8:45 ng umaÂga nang humingi ng tulong ang anak ng mag-asawa upang mapigilan umano ang kanilang ama dahil alas-4:00 pa lamang ng madaling-araw nang magwala ito at ikulong sa loob ng bahay ang kanyang ina.
Pagod pa umano sa biyahe mula sa Baguio City ang mag-asawa at nang dumating sa bahay ay nagsimula nang magwala ang suspect.
Bandang alas-9:00 ng umaga nang tangkain pa umanong sunugin ng suspect ang kanilang bahay kaya napilitang umaksiyon ang mga tauhan ng Bambang Police Community Precinct para pasukin at mabilis na dinamba ang suspect at ni-rescue ang misis.
Posibleng hindi na sampahan ng reklamo ang suspect dahil naiintindihan naman ng pamilya nito na sinumpong lamang ang sakit nito at ipagagamot muli umano kung saan naÂging pasyente ito ng NaÂtional Center for Mental Health (NCMH).