^

Metro

Holdaper todas sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa sa dalawang holda­per ang patay, makaraang makaengkwentro ang mga awtoridad ilang minuto makaraang holdapin ang isang dalaga sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, walang pagkakakilanlan ang suspect na inilarawan lamang na nasa edad 25-30, moreno, katamtaman ang panga­ngatawan, 4’10’’, nakasuot ng itim na baseball cap, puting t-shirt at itim na congo pants. May tattoo rin na “CHIKANO” sa dibdib at tribal tattoo sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Ang nasawi ang itinuturong nangholdap sa biktimang si Gyde Soriano, 25, estudyante at residente sa Brgy. Sacred Heart Sub­division, Brgy. Lagro.

Sa imbestigasyon ni PO2 Romeo Niño II, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Arbu­retum St., Brgy. UP Campus, Diliman, ganap na alas-8:20 ng gabi.

Bago nito, naglalakad ang biktima sa harap ng UP Techno Hub sa may Commonwealth Avenue nang lapitan ng mga suspect at magdeklara ng holdap.

Dito ay agad na kinuha ang bag ng biktima na nagla­­laman ng isang cellphone at pera saka mabilis na nagtatakbo papalayo.

Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa pulisya at mga ipinakalat na bus marshal sa lugar sa pangunguna ni Senior Insp. Roderick Medrano at sinuyod ang lugar hanggang sa maispatan ang mga suspect. 

Dito ay positibong kinilala ng biktima ang mga suspect na nangholdap sa kanya kung kaya nagpasya ang mga awtoridad na la­pitan ang mga ito. 

Pero hindi pa man naka­kalapit ang mga awtoridad ay biglang nagbunot ng baril ang isa sa mga suspect at akmang itinutok sa mga awtoridad, sanhi para mauwi sa shootout.

Dahil dito, dead-on-the- spot ang isa sa mga suspect sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan, habang mabilis namang nakatakas ang isa pang kasamahan nito.

Sa pagsisiyasat, nakarekober ang mga awtoridad ng isang kalibre 38 baril, apat na piraso ng buhay na bala,  isang piraso ng bala ng kalibre .45 baril at apat na basyo nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa na­sabing insidente.

 

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DITO

GYDE SORIANO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RODERICK MEDRANO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with