4th year hs nalagas ang ngipin sa gulpi ng 4 na estudyante

MANILA, Philippines - Lagas ang mga ngipin ng isang graduating high school student matapos itong pagtulungang gulpihin ng apat na kapwa­ nito estudyante sa Caloocan City. Kinilala ang biktimang si Jessie Abellano, 18, 4th year high school ng Kalayaan High School sa naturang lungsod.

Isa sa apat na suspect ang nakilalang si Nazarine Dizon, 21, ng Phase 9, Bagong Silang habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlo na pinaghahanap na.

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, dakong alas-3:00 ng hapon habang naglalakad ang biktima malapit sa natu­rang paaralan ay bigla itong sinalubong ng mga suspect at pinagtulungang gulpihin. Dahil sa insidente ay  nalagas ang mga ngipin nito. Tumakas ang mga suspect subalit nahabol at na­dakip si Dizon na nakuhanan pa ng icepick. Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pambubugbog sa biktima.

Show comments