MANILA, Philippines - Isang ina ang ginulpi ng kanyang sariling anak na lalaki matapos na hindi magbigay ng pera ang una sa huli, kamaÂkalawa ng gabi sa Caloocan City.
Bugbog sarado at nilalapatan ng lunas sa Tala Hospital sanhi ng mga sugat, pasa at bukol ang biktimang si Evangeline Arias, 44, ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.
Nakakulong naman ang anak nitong si You Arias, nasa hustong gulang.
Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-ina.
Humingi ng pera ang suspect sa ina at hindi naman ito binigyan ng biktima hanggang sa nagtalo ang dalawa.
Nagalit ang suspect hanggang sa bugbugin at hatawin ng matigas na bagay ang ulo ng ina.
Nagawang makahingi ng tulong ng biktima sa mga kapitÂbahay kaya nadakip ang suspect ng rumespondeng mga pulis habang ang biktima naman ay isinugod sa naturang pagamutan