MANILA, Philippines - Pinayagan kahapon ng isang huwes sa Makati City Regional Trial Court na makapagpiyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan ang apat na akusado na sangkot sa pagpatay sa isang opisyal ng US Marine sa isang alterkasyon sa gate ng isang subdibisyon sa lungsod noong nakaraang Nobyembre.
Sa pitong pahinang desisyon ni Judge Winlove Dumayas ng Makati RTC Branch 59, nabigo umano ang kampo ng prosekusyon na magharap ng sapat na ebidensya na nagkaroon ng conspiracy o pagtutulungan at paggamit ng mas higit na puwersa laban kay US Marine Major George Anikow.
Agad namag nagtungo sa korte kahapon ng umaga ang mga abogado ng mga akusadong sina Galicano Datu III, Crispin dela Paz, Juan Alfonso Abastillas, and Osric Cabrera at naghain ng P300,000 piyansa bawat isa.
Naibaba rin ang orihinal na kasong murder sa homiÂcide kaya naging bailable ito kaugnay ng pagkakapaslang kay Anikow noong Nobyembre 27, 2012 malapit sa gate ng Rockwell Subdibision sa Brgy. Bel-Air, Makati na nakuhanan pa ng video ng CCTV.