MANILA, Philippines - Aabot sa 150 pamilya na naman ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa isang barangay sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), ganap na alas-12 ng madaling-araw nang lamunin ng apoy ang resiÂdential area sa Scout Borromeo, Brgy. South Triangle sa lungsod.
Nagsimula ang sunog sa bahay ng magkapatid na Jammy at Janet Laos na pawang gawa lamang sa light materials. Tumagal ng halos tatlong oras ang sunog at umabot sa Task Force Bravo bago tuluyang naapula. Paniwala ng BFP na posibleng electrical overload ang sanhi ng nasabing sunog.
Aabot naman sa P3 milyon ang halaga ng pinsala nito. Habang wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa insidente.