^

Metro

2 sasakyan sinalpok ng jeep: 1 patay, 5 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang patay, habang lima pa ang nasugatan, ma­karaang tumagilid ang sina­sakyan nilang jeepney ma­tapos humampas sa da­lawang kotse habang tina­tahak ang kahabaan ng E. Rodriguez Sr., lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Delos Santos Medical Center ang biktimang si Gerald Alvin Faypon, 29, bunga ng tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sugatan naman ang kap­wa­ pasahero nitong sina Ro­viedhel Arceta, 20; Rho­dora Jacinto, 45; Rolando Javier Jr., 28; Visitacion Largo­, 31; at Rizalina Monte­mayor, 32.

Nasa kustodiya naman ng QCPD traffic sector 4 ang driver ng jeepney na si Romeo Igpit, 42, na naha­harap ngayon sa kasong reck­less imprudence re­sulting in damage to pro­perty with homicide at multiple physical injuries.

Kabilang sa mga sasak­yang nabundol ng jeepney ni Igpit ang isang Mitsubishi Adventure (WPV-593) na mina­maneho ni Aaron Lawrence Chua Chong, 24; at Toyota Vios taxi (TYX-710) na minamaneho ni Jupiter Sevilla, 56.

Nangyari ang insidente sa may E. Rodriguez Sr. Ave­nue sa pagitan ng Betty-Go Belmonte St. at Ilang-ilang St., ganap na alas-7:30 ng gabi.

Diumano, tinatahak ng PUJ ang lugar galing sa di­reksyon ng Judge Jimenez St., patungong Tomas Morato Avenue nang tumbukin nito ang kaliwang bahagi ng Mitsubishi Aventure ni Chong na tinatahak ang kabilang direksyon ng nasabing kalye.

Dahil sa lakas ng pagka­kabangga, napuwersang kumanan ang PUJ saka mu­ling sumalpok sa Toyota Vios na bumibiyahe rin sa gilid ng una.

Sa kasamaang-palad, tumum­ba patagilid ang PUJ dahilan para maipit ang ka­tawan ni Faypon sa bangketa ng nasabing kalye at ikina­sugat naman ng iba pang biktima.

vuukle comment

AARON LAWRENCE CHUA CHONG

BETTY-GO BELMONTE ST.

DELOS SANTOS MEDICAL CENTER

GERALD ALVIN FAYPON

JUDGE JIMENEZ ST.

JUPITER SEVILLA

MITSUBISHI ADVENTURE

SHY

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with