MANILA, Philippines - Isang 45-anyos na Korean national ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbiÂbigti sa loob ng isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.
Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, may ilang oras nang patay ang biktimang si James Hueng, nang madiskubre sa loob ng Room 123 ng Luxury Hotel na matatagpuan sa 1014 Rizal Ave., Sta. Cruz, Maynila, dakong alas-7:20 ng umaga.
Nabatid na nag-check-in ang biktima sa nasabing hotel dakong alas-5:00 kamaÂkalawa ng hapon para sa 12-oras na pamamalagi.
Nakita pa ang biktima na lumabas ng kanyang silid dakong alas-3:00 ng madaling-araw bagamat maya-maya ay pumasok muli sa kanyang unit.
Dakong alas-5:00 ng madaling-araw ay sinubukang kaÂtukin ang biktima para sa oras ng check-out nito subalit hindi na sumasagot kaya ginamitan ng duplicate key ng hotel staff kung saan natuklasang nagbigti ito.
Isang itim na nylon cord na isinabit sa grilling ng exhaust fan ang ginamit sa pagbibigti. Walang nakitang pasaporte sa gamit ng biktima.