MANILA, Philippines - Hinostage ng isang lalaki ang kanyang dating kinakasama at kanilang dalawang anak sa Caloocan City kahapon ng umaga makaraang tumanggi ang babae sa alok na pakikipagbalikan ng una.
Kinilala ang suspect na si Jerry de Leon, ng Phase 2, Bagong Silang ng naturang lungsod.
Samantala, kinilala naman ang biktimang si ReÂbelyn Degado at ang dalawang menor-de-edad na anak nito.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:00 sa naturang lugar makaraang magpunta sa bahay ni Degado sa Bagong Silang Caloocan ang suspect upang makipagbalikan na tinanggihan naman ng biktima.
Dahil dito, nagsimulang uminit ang ulo ng suspect hanggang sa tuluyan nitong tutukan ng patalim ang mag-iina at i-hostage.
Makalipas ang ilang oras ay pinalaya rin ng suspect ang dalawang anak at ang nanatiÂling hostage nito ay si Degado.
Giniit ng suspect na maÂkipag-hiwalay na si DeÂgado sa bagong kinakasama upang maalagaan ang kanilang dalawang anak.
Dakong alas-3 ng hapon ay napasuko na rin ang suspect sa kondisyong hindi siya kakasuhan ng dating kinaÂkasama.