Abandonadong sasakyan may bahid ng dugo, natagpuan sa parking ng mall

MANILA, Philippines - Isang saksakyan na may mga bahid ng dugo sa loob  ang natagpuan sa parking lot ng isang mall sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Ang sasakyan ay Suzuki Celerio model na for registration na nakitang abandonado sa parking lot ng Eton Cetris na nasa Edsa corner Quezon Avenue sa lungsod.

Ang naturang kotse ay sina­sabing pag-aari ng isang Gerald Reyes, 27, binata, negosyante ng West Fairview sa lungsod, base sa pahayag ng kaanak nito.

Sinasabing si Reyes, ay walong araw na umanong nawa­wala simula noong Feb 11, matapos magpaalam na may gagawing trabaho malapit lamang sa lugar, ganap na alas-8 ng umaga.

Simula noon ay hindi na nakita pa ang biktima, hanggang sa matagpuan ang nasabing sasakyan. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasa­bing insidente.

Show comments