Magkasintahan nag-away, lalaki nagbaril
MANILA, Philippines - Labis na dinamdam ng isang lalaki ang pag-aaway nila ng kanyang kasintahan nang magpakamatay ito sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili kamakalawa ng gabi sa Pandacan, Maynila.
Patay na nang idating sa ospital ang biktimang si Arlhie dela Cruz, 27, ng Pandacan, Maynila. Dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insiÂdente sa kuwarto ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Bago ito, nakipag-inuman muna ang biktima sa mga barkada kung saan naikuwento nito ang pag-aaway nila ng kanyang nobyang si Jai Dee at nagbanta pa umano na magpapakamatay siya.
Matapos ang inuman ay nakatanggap ng text ang mga kaibigang kainuman mula sa biktima kung saan humingi ito ng tulong para dalhin siya sa ospital. Mabilis naman pinuntahan ang biktima subalit pagdating sa bahay ay doon na tumambad ang duguang katawan ng biktima ay may malaking butas sa dibdib. Bago umano nalagutan ng hininga ang biktima ay inihabilin pa nito sa dalawa niyang kaibigan na huwag pabayaan ang kanyang kapatid. Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.
- Latest