Ex-barangay tanod itinumba

MANILA, Philippines - Napatay ang da­ting barangay tanod nang patraydor na  pagsasaksakin ng kanyang  nakaalitan, habang nagsasampay ng damit sa harapan ng kaniyang bahay sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si James R. Criyaldo,  dating tanod sa Brgy.418, Zone 43 at nakatira sa Ramon Magsaysay Boulevard, Sta. Mesa, Manila.

Samantala, tinutugis ng pulisya ang suspek na si Jojo Doria, 32, na mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen bandang alas-8:30 ng umaga.

Sa nakalap na impormasyon ni SPO1 Mario Asilo, ang suspect ay dating sinaksak ng biktima at hindi na umano nagsampa ng reklamo kaya hinihinalang kumuha na lamang ng tiyempo upang gumanti.

 

Show comments