^

Metro

Kaso ng pulis vs kolumnista, ibinasura

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura  ng Manila City Prosecutor’s Office ang kasong grave threat at attempted homicide na isinampa ng dating pulis laban sa isang kolumnista noong Biyernes dahil sa kawalan ng sapat na merito.

Sa isang pahinang resolusyon ni Assistant City Prosecutor Rodolfo Azucena Jr., wala umanong nakitang probable cause upang iakyat sa hukuman ang mga kaso na isinampa ng dating pulis na si Benjamin Abad laban kay Alex Balcoba ng People’s Brigada.

Nag-ugat ang kaso nang samahan ni Balcoba ang ilang pulis-Maynila noong Hunyo 18, 2012 sa kinaroroonan ni Abad sa Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila  upang arestuhin ito dahil sa pagdadala ng baril.

Kinuhanan pa umano ni Balcoba ng mga larawan si Abad, sanhi upang sampahan niya ito ng kaso.

Gayon pa man, sinabi ng piskalya na ang pagkarekober ng mga pulis ng baril kay Abad nang arestuhin ito ay pagkumpirma lamang sa pahayag ni Balcoba sa mga pulis .

Wala rin namang nakitang dahilan ang piskalya para sampahan ng kasong attempted homicide si Balcoba dahil ginagampanan lamang nito ang tungkulin bilang reporter nang kunan ng larawan si Abad habang inaaresto.

ABAD

ALEX BALCOBA

ASSISTANT CITY PROSECUTOR RODOLFO AZUCENA JR.

BALCOBA

BENJAMIN ABAD

BIYERNES

BRIGADA

MANILA CITY PROSECUTOR

MAYNILA

OROQUIETA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with