Pag-aresto kay Isko wala akong alam - Lim
MANILA, Philippines - Kapangyarihan ng kapulisan na arestuhin ang sinumang lumaÂlabag sa batas kahit isa pang opisyal ng gobyerno ang makikita nilang lumalabag.
“The police is there to assert what is right against what is wrong. They cannot just close their eyes because the violator is a government official,†pahayag ni Manila Mayor Alfredo S. Lim matapos makuha ang ulat ni P/Supt. Ricardo Layug, hepe ng MPD-station 3 na umaresto kay Vice Mayor Isko Moreno at mga konsehal.
Kasama ni Moreno na dinakip sina councilors Jong Isip, Re Fugoso, Yul Servo, Manuel Zarcal at Joel Chua sa paglabag sa obstruction, illegal gambling at assault.
Pinuri rin ng alkalde ang naging paninindigan ni Layug at kaniyang mga tauhan dahil tumutupad ito sa tungkulin na sugpuin ang sugal at arestuhin ng walang sinu-sino ang mga lumalabag sa batas.
Nairita si Lim sa napaulat na siya ang ituturong may pakana na katunayan, aniya, ay nasa street inauguration siya kahapon nang may insidenteng hulihan sa Tambunting, Sta Cuz, Maynila.
“`Yan ang hirap eh. Gagawa sila ng labag sa batas tapos pag umaksyon ang pulis hahaluan nila ng pulitika. Tapos kung sinu-sino ang ituturo. Isa lang ang tanong diyan. May ginawa ba silang paglabag sa batas o wala? Kapag ba vice mayor ka o konsehal ka puwede ka nang lumabag sa batas? Kung ganyan eh di wala nang pulis na aaksyon?†dagdag pa ni Lim.
Sa ulat naman ni Layug kay MPD Director P/Chief Supt. Alex Gutierrez, dumaÂting sila sa Tambunting kung saan nagaganap ang pabingo, nagkaroon na umano ng daÂyalogo sa pagitan ni Blumentritt police community precinct P/Chief Inspector Ed Morata dahil bukod sa walang permiso kaya may paglabag sa anti-obstruction at anti-illegal gambling laws, hanggang sa dumating si Moreno at nagsalita sa mga tao na “papayagan ba naÂting mahinto ito?â€
Sa report pa ni Layug, nagtungo sila matapos may magbigay ng impormasyon kaugnay sa ibinebentang bingo cards sa halagang P10.00 na may nakadikit sa likod nito na hanay ng mga kandidato kabilang si dating Pangulong Joseph Estrada, Moreno at mga konsehal?
Magsasagawa naman ng preliminary investigation ngayong Lunes ang Manila Prosecutors Office kaugnay sa kasong isinampa laban kina Moreno.
- Latest