Guro nag-text sa mister bago nag-suicide
MANILA, Philippines - Nag-text pa sa kanyang mister ang isang guro bago ito nagpatiwakal kahapon sa Caloocan City.
Patay na nang matagpuan si Rosita Cortez, 29, ng Bagong Barrio ng naturang lungsod matapos itong magbigti.
Sa pahayag ni Alex Cortez, 40, asawa ng biktima, umalis siya kahapon ng umaga sa kanilang bahay na may tampuhan sila ng misis niyang si Rosita at habang nasa opisina ay nakatanggap siya ng text mula sa misis dakong alas-10 ng umaga at sinasabing magpapakamatay ito.
Kaagad na umuwi ng bahay ang mister at laking gulat nang makitang patay na nga ang misis habang nakabigti ng pantyhose sa loob ng kanilang bahay.
Sinabi pa ng mister na ilang beses nang nagtangkang magpakamatay ang kanyang misis, subalit naaagapan lamang. Sa ngayon ay inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Rosita.
- Latest