MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) si Manila Vice Mayor Isko Moreno at apat pang konÂsehal kaugnay ng isinaÂgawang pa-bingo sa Tambunting, Sta. Cruz, Maynila kahapon ng hapon.
Dinala sa nasabing himÂpilan ng pulisya sina Moreno kasama sina Konsehal Joel Chua, Re Fugoso, Jong Isip, at Yul Servo nang dambahin dakong alas-3:30 ng haÂpon habang isinasagawa ang paÂbingo sa nasabing barangay.
Dahil dito, bahagyang nagÂÂkaroon ng tensyon sa lugar. Ayon kay Moreno, maÂÂlinaw na political harassÂment ang ginawa sa kanila dahil ang bingo ay wala na umano sa hanay ng mga illegal na sugal. NagtaÂtaka naman sila kung ano ang kanilang kakaharaping kaso bagama’t sinabing isa ang illegal gambling na ikakaso sa kanilaÂ.
Kinondena ni Moreno ang umano’y marahas na pagdaÂkip sa kanila dahil masyado umanong marami ang mga pulis na umaresto sa kanila samantalang nagkakasaÂyahan lamang ang mga residente ng Tambunting.
Bunsod nito, mabilis namang nagtungo si dating PaÂÂngulong Joseph Estrada upang damayan ang kanyang mga ka-partido sa nalalapit na halalan.
Paliwanag ni Moreno, hindi pa naman ilegal ang kanilang ginawa dahil ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes sa Marso 29 pa ang simula ng kampanya ng mga local officials.