Obrero natabunan ng gumuhong tipak ng semento
MANILA, Philippines - Isang obrero ang naÂtaÂbunan ng concrete slab ng ginigibang sidewalk, habang naghuhukay para sa drainage system, sa bahagi ng Sampaloc, Maynila, kahapon ng hapon.
Batay sa inisyal na ulat ng Manila Police District-station 4, dakong alas- 2:35 ng hapon nang matabunan ang hindi pa kilalang worker na iniÂlarawan lamang ng pulisya na nakasuot ng kulay blue na t-shirt na may tatak na F&F Contractors at isinugod umano sa UST Hospital.
Rumesponde naman ang mga tauhan ng MPD-station 4, subalit ayaw makipagtulungan sa imbestigasyon ang sinumang kinatawan ng construction firm, na tanging ang sinabi lamang umano ng mga kasamahan ay stable o nasa ligtas na kondisyon naman ang biktima.
Nabatid na sumaklolo ang backhoe ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matanggal ang slab na tumabon sa biktima, na nasa hukay.
Patuloy pang pinaiimbestigahan ni Supt. James Afalla ang insiÂdente dahil ayaw pang makipagtulungan ang contractor para matukoy ang dahilan ng pagguho.
- Latest