^

Metro

Estrada, Lim pumirma sa peace covenant

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat na maging magandang halimbawa ang Maynila para sa buong bansa sa isang maayos, malinis at credible na halalan.

Ito ang naging mensahe kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes  sa  pagdalo nito sa idinaos na signing of peace covenant sa Manila Police District headquarters sa UN Avenue, Maynila  sa pagitan ng mga lokal na kandidato ng lungsod.

Kapwa nanguna sa pagpirma ang magkatunggali na tatakbo sa pagka-mayor sa Maynila na sina dating Pa­ngulong Joseph Estrada at kasalukuyang Mayor Alfredo S. Lim.

Maaga ring dumating si Brillantes at si Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) chair Henrietta de Villa.     

Nakasaad sa nilagdaang kasunduan na hindi gagawa ng labag sa Comelec rules ngayong halalan lalo na sa panu­nuhol, dayaan, karahasan, pananakot, at iba pang uri ng krimen at paglabag sa batas para lamang makakuha ng maraming boto.

BRILLANTES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMELEC

JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MAYOR ALFREDO S

PARISH PASTORAL COUNCIL

RESPONSIBLE VOTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with