MANILA, Philippines - Sangkot din sa pagpaslang sa dalawa niyang kabaro ang parak na napatay sa naganap na barilan sa lungsod ng Caloocan noong Miyerkules ng madaling-araw.
Ito ang nabatid sa paÂtuloy na imbestigasyong isinasagawa kaugnay sa naganap na ratratan kung saan napatay ang mag-aama at ang pulis na si PO3 Ernesto Castillo.
Base sa record ng Caloocan City Police, nabatid, na naunang kinasuhan ng double murder at theft si PO3 Castillo dahil sa pagpatay sa kanyang mga kabaro na sina SPO1 Tom Perez at SPO1 Tirso Roncales noong Setyembre 4, 2012 sa Phase 8-B, Bagong Silang ng naturang lungsodÂ.
Dahil dito lalong tumibay ang ebidensiya na sangkot si Castillo sa pagpatay sa mag-aamang Manolito; Erickson at Audie Piccio maÂtapos na ang nakuhang baril na .9mm na ginamit sa mga mag-aamang biktima ay ang service firearm na naka-isyu kay Perez, kasama ang dalawang M-16 at baril ni Roncales.
Matatandaan na dakong alas-12:00 kamakalawa ng madaling-araw ay pinagbaÂbaril at napatay ang mag-aamang Piccio ng nasawing si Castillo at mga kasama nito habang nag-iinuman ang mga biktima sa harapan ng kanilang bahay sa Rose St., King Solomon, Camarin ng naturang siyudadÂ.
Sa kabila na may tama na ang mag-aama ay nagawa pa ring makaganti ng mga ito na doon naman nasawi ang pulis na si Castillo.
Sinasabing away paÂmilya ang ugat sa naÂturang pamamaril.