Sinibak na pulis, huli sa karnap

MANILA, Philippines - Makaraang masibak sa tungkulin bilang pulis, na­aresto naman ngayon dahil sa kasong carnapping ang isang dating alagad ng batas­, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Nahaharap ngayon sa kaso ang suspek na nakilalang si ex-PO1 Eric Domingo, dating nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion at naninirahan sa Simplicio­ Compound, sa naturang lungsod­.

Sa ulat ng Parañaque Anti-Carnapping Unit, unang nag­reklamo sa kanila ang biktima na si Normelita delos Santos, na nag-ulat na natangay ang pag-aari niyang Yamaha Mio habang nakaparada sa tapat ng kanyang bahay. Nakunan naman ng CCTV  ang suspek na si Domingo na siyang tumangay ng motorsiklo.

Agad na sinalakay ng pulisya ang bahay ng suspek dakong alas-6 kamakalawa ng gabi kung saan natagpuan ang nawawalang motorsiklo.  Agad namang natiklo si Domingo na todo-tanggi sa akusasyon kahit na kitang-kita siya sa video footage.

Nabatid naman kay Chief Insp. Enrique Sy, hepe ng Investigation­ Unit ng Para­ñaque Police na ma­raming beses nang nasangkot si Do­mingo­ sa mga kaso ng extortion­ bago ito masangkot sa karnap.

Show comments