MANILA, Philippines - Arestado ang isang Chinese national at ang isang 76-anyos na caretaker ng isang big-time shabu dealer ang biÂnitÂbit sa isinagawang operasÂyon ng NBI sa Marikina City.
Sa pahayag kahapon ng NBI, may hawak silang search warrant mula sa Manila Regional Trial Court laban sa big-time drug dealer na si David Chua kaya sinalakay ang tahaÂnan nito noong SaÂbado (Pebrero 9) sa Marikina City, kung saan nadakip ang isang Lin Chao Min, na naÂhulihan ng shabu.
Itinanggi niya na siya si David Chua at itinuro ang bahay sa Longhorn St., Brgy. Concepcion Dos, Marikina City kung saan matatagpuan umano si David Chua na source umano niya ng shabu.
Kamakalawa ng hapon, sinalakay ang bahay na itinuro ni Min subalit wala ang pakay na si Chua at ang inimbitahan lamang sa NBI ang nadatnan na lalaking caretaker nito.
Bukod pa rito, nakumpiska rin sa bahay ang isang vacuum packing machine, stirring tube, plastic bag, na pinaniniwalaang gamit sa pagre-repack.