MANILA, Philippines - Apat katao ang nasawi kabilang ang mag-aama at isang pulis habang sugatan ang isang binatilyo sa naganap na barilan na pinaniniwalaang dahil sa away ng dalawang pamilya kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Nasawi noon din ang biktimang si Manolito Piccio, 56, sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan habang namatay naman sa ospital dahil din sa tama ng mga bala sa katawan ang mga anak na sina Audie, 32, at Erickson, 27.
Samantala, dead-on-the-spot din si PO3 Ernesto CasÂtillo, na nakatalaga sa Northern Police District (NPD). Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril at pana sa katawan, na ayon sa pamunuan ng NPD ay hindi na ito nagpapasok sa kanyang duty.
Sugatan naman ang kapitÂbahay ng pamilya Piccio na nakilalang si James Christopher Palunday, 17, na tiÂnamaan ng ligaw na bala.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:00 ng hatinggabi sa tapat ng bahay ng pamilya Piccio sa Rose St., King Solomon, Brgy. 174, Camarin ng naturang lungsod.
Ayon sa sugatang si PaÂlunday, kainuman niya ang mag-aamang Piccio nang biglang dumating si PO3 Castillo na may kasamang ilang kalalakihan.
Dito ay pinaulanan ng putok ng baril ng grupo ng pulis ang mag-aama at kahit may tama na ang mga ito ay nagawa pang makaganti rin ng pagpapaputok ng baril sa grupo ng una.
Ang naturang barilan ay nauwi sa trahedya na ikinasawi ng mag-aamang Piccio at ni PO3 Castillo.
Nabatid kay Susan Piccio, asawa ni Manolito, posibleng away-pamilya ang ugat ng pamamaril.
Ikinuwento nito na may napatay na isang Jun Bonto ang isa niyang anak na si Emer dahil umano sa agawan ng sumpak.
May hinala ang ginang na posibleng gumaganti ang asawa ni Bonto na nakilala lamang sa alyas “Eli†at ito umano ang nagbayad kay PO3 Castillo upang patayin ang kanyang mag-aama.
“Ang alam ko pong suspect ’yung asawa nung Jun Bonto, Eli Tejada o Rivera. Kasi merong nag-report sa’min na malayong kamag-anak nung Bonto na nagÂbayad sila para, kung alin sa mga anak ko, apat ’yung kukunin nila,†ani Susan.
Nabatid pa sa ginang, apat na ang napatay sa kanyang pamilya dahil ang una nang pinatay ay ang isa pa niyang anak na si Tristan.
Sinabi pa nito na hindi nila kilala si PO3 Castillo, pero may kasama itong ilang kalalakihan nang sumugod sa kanilang bahay at pagbabarilin ang kanyang mag-aama.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng sumpak, kalibre .9mm at dalawang granada. Hanggang sa ngaÂyon ay patuloy na iniimbesÂtigahan ang insidente.